Recent Posts

Breaking News

Megan ayaw mag-anak

Bakit nga ba wala pang anak sina Miss World 2013 Megan Young at TV actor Mikael Daez?

Sa panibagong episode ng #BEHINDRELATIONSHIPGOALS podcast ng celebrity couple na sina Megan at Mikael, tinalakay ng dalawa ang salitang ‘pressure.’

Mmaraming aspeto ng pressure ang kanilang pinag usapan, ngunit ang pinaka umagaw sa atensyon ng karamihan sa mga viewer ay iyong plano ng dalawa sa pagkaka-anak.

Kahit saan lumingon si Megan, nariyan ang tanong sa mukha ng mga tao, “Bakit wala ka pang anak?” “Bakit ayaw mo pa mag-anak?” “Kailan kayo magkaka-anak?”

Ngunit ayon sa beauty queen, wala siya nararamdamang pressure mula sa mga ito dahil alam niya mismo sa sarili niya kung ano ang kanyang gusto.

Sa podcast nila, batid ng aktres na nais muna niyang ma-solo ang mister na si Mikael at enjoyin muna ang buhay mag-asawa.

“I wanted to be selfish. I wanna focus on just you and just me. I dont see anything wrong with that,” aniya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/megan-ayaw-mag-anak/)

Walang komento