Recent Posts

Breaking News

Mayor Magalong team ‘balik-Baguio’ na pawang negatibo sa COVID-19

Bumalik na sa Baguio City si Mayor Benjamin Magalong kasama ang kaniyang buong team na pawang nag-negatibo sa sa resulta ng COVID-9 test, matapos ang isang linggong misyon sa Cebu City.

Base sa post sa official Facebook ng alkalde na Baguio, kasama niyang bumalik sa summer capital of the Philippines ang kaniyang buong team na pawang negative naman sa virus matapos isailalim sa COVID test.

City mayor, nakasaad na kasama nitong umuwi ang buong contact tracing team at pawang “negative” ang resulta sa COVID test.

Magugunitang nitong Martes ay nagpunta sa Cebu ang mga team na bumubuo sa contact tracing effort ng Baguio City government para ibahagi ang kanilang kaalaman sa COVID hotspot Cebu City na inilagay uli ng Inter Agency Task Force sa enhanced community quarantine(ECQ) hanggang Hulyo 15.

Ang pag-imbita kay Magalong at sa kaniyang team ay makaraang mapaulat na hindi na umano nadagdagan pa ang 17 active COVID cases sa Baguio.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mayor-magalong-team-balik-baguio-na-pawang-negatibo-sa-covid-19/)

Walang komento