Recent Posts

Breaking News

Matapos ang ABS-CBN, PDR ng ibang media gisahin din – Violago

Matapos tanggihan ang franchise application ng ABS-CBN dahil sa umano’y mga paglabag nito, hinahangad ngayon ng isang mambabatas na imbestigahan din ng Kamara ang Philippine Depositary Receipts (PDRs) para sa mga dayuhan na inisyu ng lahat ng major broadcasting company sa bansa.

Sinabi ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago sa kanyang sinampang House Resolution No. 984 na isa sa mga usapin sa mga pagdinig hinggil sa prangkisa ng Kapamilya network ay kung nilabag ng ABS-CBN ang nakasaad sa Konstitusyon na dapat 100 percent ang Filipino ownership at management ng mass media nang mag-isyu ito ng PDRs sa mga dayuhan, na dapat ay magpapahintulot sa mga non-Filipino na magmay-ari sa network.

Isa si Violago sa mga awtor ng mga panukala para ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

“In the interest of equity, equality and fairness, it is but proper that the other broadcasting companies’ issuance of PDRs to non-Filipinos be also looked into,” ani Violago sa panukala.

Sa nasabing pagdinig, minungkahi ni Violago na siyasatin ang PDRs ng iba pang broadcast giant sa kung paano aniya ginisa ng lower chamber ang sa Kapamilya network.

Una rito, napansin ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na ang sinumiteng PDRs ng GMA-7 ay “katulad” ng sa ABS-CBN.

Matatandaang sinabi ng Securities and Exchange Commission (SEC) na walang batayan para sabihin na lumabag ang ABS-CBN sa batas hinggil sa pag-isyu at pagbenta ng PDRs sa publiko.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matapos-ang-abs-cbn-pdr-ng-ibang-media-gisahin-din-violago/)

Walang komento