Recent Posts

Breaking News

Mass test sa mga MRT employee

Isinailalim na sa COVID test ng Metro Rail Transit (MRT) lahat ng kanilang mga empleyado para makasiguro sa kaligtasan ng mga ito gayundin ng publiko na sumasakay sa kanila.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Bathan, sa Laging Handa public briefing Martes ng tanghali, nais nilang maibalik agad ang operasyon ng MRT subalit kailangan din tiyakin na negatibo sa COVID-19 ang mga tauhan nito para ituloy serbisyo.

Base aniya sa datos, hanggang alas-12:00 ng tanghali nitong Lunes ay 198 empleyado ng MRT ang positibo sa COVID-19.

“Dati ang protocol `pag nagkaroon ng sintomas saka magsa-swab test. Ngayon nag-step up ang MRT na lahat, with or without primary contact, symptoms, kailangan swab test,” ani Bathan.

Bukod sa mass test sa kanilang mga empleyado, nakipag-ugnayan na rin aniya ang MRT sa Department of Health (DOH) para sa contact tracing ng mga commuter na posibleng nakasalamuha ng mga driver at ticket seller na nagpositibo sa COVID-19.

Pinayuhan umano sila ng DOH na ianunsyo ito sa publiko para ang mga sumasakay sa MRT ay obserbahan ang sarili kung may sintomas sila ng COVID at komonsulta sa health center nila.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mass-test-sa-mga-mrt-employee/)

Walang komento