Recent Posts

Breaking News

Mas maraming ruta sa mass transport bubuksan

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), magbubukas sila ng iba pang ruta para sa public transport sa loob at labas ng Metro Manila dahil ito ang hinihiling ng mga mamamayan.

“We’re going to increase public transport because there is a need to do that, not just in Metro Manila but all across the country,” wika ni LTFRB chairperson Martin Delgra III sa GMA Network’s Unang Hirit, Miyerkoles.

“Sa mga sumusunod na araw po, magbubukas din naman tayo ng mga panibagong mga ruta at dagdag na pampublikong sasakyan. Hindi lang po sa jeep kundi po sa mga bus at UV Express,” aniya pa.

Ito, matapos payagang bumiyahe ang 1,943 pang jeepney sa 17 ruta sa Metro Manila.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mas-maraming-ruta-sa-mass-transport-bubuksan/)

Walang komento