Recent Posts

Breaking News

Mark Bautista pinagtanggol pananahimik ni Sarah sa ABS-CBN shutdown

Naiintindihan umano ni Mark Bautista ang pagiging tikom ang bibig ni Sarah Geronimo kaugnay sa tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN.

Matatandaang sinisingil ang Pop Princess ng mga Kapamilya employee at supporter dahil hindi ito tumindig para sa kompanya sa panahon ng krisis.

Wika ni Mark sa Twitter, Lunes, hindi mahilig sa komprontasyon si Sarah.

“SG has always been very private and not even confrontational so I would understand her,” sabi ni Bautista.

“To each his own,” aniya pa, na nangangahulugang bawat tao ay may karapatan na magkaroon ng sarili niyang paniniwala o kagustuhan.

Ito, matapos basagin ni Sarah ang kanyang katahimikan hinggil sa ABS-CBN shutdown.

Sa kanyang pahayag na nilabas sa social media, hinangad ni Geronimo na magkaisa ang madla, hiniling na bigyan pa ng isang pagkakataon ang network, at nakiluksa sa mga ABS-CBN employee na sinibak sa trabaho.

“Ako po si Sarah Geronimo, [‘di] lamang artista, isa ring mamayang Pilipino na umaapila para sa mga labis na apektado ng COVID-19,” sey ng singer-aktres.

“[Magtulungan] po tayo, [‘wag] po tayo magwatak-watak. Ituon po natin ang ating pansin at pokus sa ating mga kababayan na sugatan at pasigaw nang humihingi ng saklolo dahil sa pagod, sakit at dalamhati.”

“Bagamat napakasakit po na matanggihan, patuloy pa rin kaming sumasamo, nakikiusap at umaapila, nagdadasal para sa aming hangarin na mabigyan muli ang aming minamahal na ABS-CBN family ng isa pang pagkakataon,” aniya pa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mark-bautista-pinagtanggol-pananahimik-ni-sarah-sa-abs-cbn-shutdown/)

Walang komento