Recent Posts

Breaking News

Maraming bagyo asahan sa July, August – PAGASA

Nagpaalala ang PAGASA sa publiko na maging handa dahil sa inaasahang maraming bagyo ngayong July at August.

“Kailangan maghanda dahil ngayong July, August, maraming bagyo. Dapat maunawaan natin ang forecast warnings ng PAGASA,” sambit ni PAGASA OIC Esperanza Cayanan.

Dagdag niya, mula July hanggang September ay asahan ang “below to near normal rainfall conditions” dahil sa mga monsoon rain, intertropical convergence zone, LPA, thunderstorm at tropical cyclone.

May 50 porsiyento rin ang posibilidad na makaranas ang bansa ng La Niña patungong huling bahagi ng taon.

“So it’s more likely that we experience more rains from October to December,” dagdag niya



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/maraming-bagyo-asahan-sa-july-august-pagasa/)

Walang komento