Recent Posts

Breaking News

Mall, bahay sa Agusan del Sur wasak sa lindol

Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Bayabas, Surigao del Sur kahapon, na nagdulot ng pinsala sa isang mall at bahay sa dalawang bayan sa Agusan del Sur.

Nagiba ang kisame ng Gaisano Grand Mall sa San Francisco, Agusan del Sur.

Hinarang sa pagpasok ang mga kawani at bisita ng mall, pero may ilang manggagawa na nakakuha pa ng larawan ng pinsala bago magbukas ang gusali, bandang alas-nuwebe ng umaga. Makikita sa mga litrato ang nalaglag na mannequin at nagkalat na mga produkto.

Samantala, sa bayan naman ng Talacogon ay gumuho ang bahagi ng bahay ng isang Elmer Batisting sa San Agustin village.

13 katao ang nakatira sa naturang boarding house na tinayo noong 1976, ayon kay Batisting.

Ayon sa Phivolcs, Intensity 6 ang tumama sa parehong nabanggit na bayan.

Wala namang malaking pinsala na naitala sa bayan ng Bayabas, Surigao del Sur na epicenter ng lindol, ayon sa awtoridad.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mall-bahay-sa-agusan-del-sur-wasak-sa-lindol/)

Walang komento