Recent Posts

Breaking News

Malaysia nagbigay ng PPE, mask sa Pilipinas

Samu’t saring medical supplies ang handog ng Malaysia Chamber of Commerce and Industries Philippines, Inc. (MCCI) sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng bansa.

Nagbigay sila ng 200 personal protective equipment set, 4,000 surgical mask, 1,000 KN95 mask, 200 goggles, 14 foot bath disinfectant, at 50 isolation gown.

Ngayong araw, Hulyo 8, tinanggap ni Defense Secretary at NDRRMC chair Delfin Lorenzana ang donasyon mula sa MCCI sa pamamagitan ng patron nito at Malaysian Ambassador to the Philippines na si Norman Muhamad.

Lahat ng mga PPE sets na binigay ng MCCI ay ipamamahagi ng Office of Civil Defense sa iba’t ibang ospital sa Pilipinas.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/malaysia-nagbigay-ng-ppe-mask-sa-pilipinas4/)

Walang komento