Recent Posts

Breaking News

Magtayo ng maraming field hospital – Gatchalian

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na ikonsidera ang pagtatayo ng mga field hospital para madagdagan ang bed capacity at makapag-accommodate ng mas marami pang COVID-19 positive patient.

“Most hospitals now have reached full capacity of their COVID-19 dedicated beds. We cannot just sit back and remain idle while COVID-19 cases continue to spread throughout the country,” sabi ni Gatchalian.

“We’ve practically done everything by the book except for the option of having makeshift hospitals strictly dedicated to COVID-19 positive cases, for those with mild to severe cases,” dagdag nito.

Ayon kay Gatchalian, maraming mga arkitektong Pinoy ang nakapag-disenyo ng low-cost Emergency Quarantine Facilities (ECFs) na maaring mag-accommodate ng 15 bed, may external texting box, disinfecting spaces at lavatory facilities.

“Instead of going back to MECQ or ECQ, let’s expand our healthcare system. MECQ or ECQ is a very painful methodology for our constituents. I would rather address the health system so that our medical facilities will not be overwhelmed by the surge of COVID-19 cases,” sabi ni Gatchalian.

“This is one strategy that I’ve seen in different countries with COVID-19 success stories, which I haven’t seen done here in the country,” the lawmaker pointed out,” dagdag pa nito.

“Looking at socioeconomic numbers such as hunger, unemployment, business – the country’s economy will be put in a dire situation if we go back to stricter quarantine rules. Marami tayong mga kababayan who will regress to poverty,” sambit pa nito.

Sabi ni Gatchalian, naparating na niya ang ideyang ito kay National Task Force (NTF), COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. at pinag-aaralan na ang pagatayo nito sa pangunahing lugar sa bansa para makontrol ang kontaminasyon nito.

“Lahat ng World Health Organization (WHO) recommendations ginagawa na natin, pati ang National Task Force ginagawa na rin ang lahat. We just have to prepare for the worst dahil ginawa naman nila ang lahat ng nasa WHO playbook,” ani Gatchalian.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magtayo-ng-maraming-field-hospital-gatchalian/)

Walang komento