Recent Posts

Breaking News

Mag-inang Pacquiao sumakay sa kalabaw na walang face mask, kinuyog

May mga hindi natuwa sa larawan ng pagsakay ng kalabaw ng mag-iinang Pacquiao.

Kahapon, pinost ni Jinkee Pacquiao sa Instagram ang larawan ng pagsakay niya sa “kariton” ng kalabaw, kasama ang mga babaeng anak na sina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth, sa kanyang hometown sa bayan ng Kiamba, Sarangani.

Sa panahon ng lockdown, namalagi ang pamilya Pacquiao sa DasmariΓ±as Village pero umuwi sila agad ng General Santos nang luwagan na ang quarantine status sa Metro Manila at ang mga travel restriction.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakablik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako , kung saan ako lumaki at nag aral ng elementary. Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon,” wika ng asawa ni fighting Senator Manny Pacquiao.

“Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko. Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot!” kwento pa niya.

Pero ang napansin ng ilang netizen, ang hindi pagsusuot ng face mask at ang hindi pag-obserba ng social distancing ng mag-iina.

Meron pang nagsabi na katulad na si Jinkee ni dating First Lady Imelda Marcos.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mag-inang-pacquiao-sumakay-sa-kalabaw-na-walang-face-mask-kinuyog/)

Walang komento