Recent Posts

Breaking News

Luncheon meat ninakaw, kelot pinosasan

Sa kulungan ang hantungan ng isang pedicab driver na nahuling nagnanakaw ng dalawang lata ng luncheon meat sa isang grocery store sa Paco, Manila.

Ayon sa Manila Police District, ang suspek ay residente ng Balagtas, Bulacan at pinaniniwalaang gang member.

Nahuli umano ito ng mga security officer ng Super 8 Retail Systems Inc. na may bitbit na Spam luncheon meat na nagkakahalagang P381.

Dinala ang shoplifter sa Paco Police Community Precinct at sinailalim sa medical check-up bago ilipat sa Ermita Police Station.

Ayon sa pulisya, narekober na ang luncheon meat.

Samantala, haharap ang suspek sa kasong theft thru shoplifting.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/luncheon-meat-ninakaw-kelot-pinosasan/)

Walang komento