Recent Posts

Breaking News

Lolo na pumanaw nang Mayo, binigyan ng COVID recovery certificate ngayong Hulyo

Mayo 30 pa sumakabilang-buhay ang isang lolo sa Cebu City, pero nakatanggap ang pamilya nito ng sertipikasyon na gumaling siya sa COVID-19 ngayong buwan.

Nakasaad sa July 3 certification mula sa Cebu City health department na “clinically recovered” mula sa COVID-19 ang lolo.

Kaya naman nagulat at nalito ang pamilya ni Fructoso Mabatid, 72, dahil mayroon din anila silang kopya ng death certificate na sinasabing pumanaw ang lolo dahil sa acute respiratory failure 1.

“Sana po gawin nila nang maayos ‘yong trabaho nila dahil naiintindihan po namin na mahirap naman talaga ‘yong trabaho nila pero sana ‘di na ‘to mangyari ulit. Sana magbigay ‘to ng leksyon sa kanila na mahirap tanggapin sa iba ang nagawa nila,” wika ng apo na si Dorathy Valencia, sa isang ulat.

Mula umano nang dalhin si Mabatid sa ospital hanggang sa yumao ito at kagyat na nilibing, hindi na nakita ng pamilya ang lolo.

Humingi naman ng patawad si Cebu City health officer Dr. Daisy Villas, na inako ang responsibilidad sa sertipikasyon.

Mayroon aniyang “apparent miscommunication and clerical error” sa health personnel sa Barangay Kamputhaw at city health office staff hinggil sa pagbibigay ng sertipikasyon sa mga COVID-19 survivor.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lolo-na-pumanaw-nang-mayo-binigyan-ng-covid-recovery-certificate-ngayong-hulyo/)

Walang komento