Recent Posts

Breaking News

LoiNie may bagong ‘baby’

Tila buhay mag-asawa na ngayong quarantine ang celebrity couple and on-screen partners na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Noong nakaraang buwan ay nag-post ang dalawa ng kanilang buhay-probinsya at minsan na rin daw napag-usapan ng dalawa ang pagpapakasal.

Ngayon naman ay may bago silang milestone bilang mag-dyowa: ang pagkakaroon ng bagong ‘baby’.

Ang baby na ito ay isang French Bulldog na aso na kanilang binili sa isang kilalang online pet shop.

Mukhang kasal na nga lang talaga ang kulang sa dalawa dahil kung pagmamasdan sila ay kitang-kita kung gaano sila kasigurado at ka-in love sa isa’t isa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/loinie-may-bagong-baby/)

Walang komento