Recent Posts

Breaking News

Locsin: Concern sa anti-terror law, peke

Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na hindi pagtatanggol sa demokrasya ang layunin ng mga taong nag-aalala hinggil sa anti-terrorism law.

Ang hangad aniya ng mga ito, na nagpapakalat umano ng “disinformation”, ay itulak ang pag-angat sa puwesto ni Bise Presidente Leni Robredo.

Sinagot kasi ng kalihim ang pahayag ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na dapat maging mas understanding ang gobyerno sa mga tao na nagpapahayag ng kanilang concerns ukol sa nasabing batas.

“It’s hard, Chiz—this guy’s really smart and the luckier one is Heart,” tweet ni Locsin ngayong Lunes.

“But Chiz, the concern is so fake, so deliberately uninformed and the disinformation has one aim: not to defend democracy but trigger the premature ascension of the Vice President to a really very difficult job,” giit pa niya.

Sa kabila ng maugong na batikos na hinarap nito sa nagdaang mga buwan, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Bill nitong Biyernes, Hulyo 3, 2020.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/locsin-concern-sa-anti-terror-law-peke/)

Walang komento