Recent Posts

Breaking News

Liza na-shoutout si Angel

Para kay Liza Soberano, nakatadhana si Angel Locsin na maging anghel natin.

Sinabi ito ng nauna sa Twitter, Hulyo 18, matapos magsalita ng huli sa noise barrage sa kinasang malawakang noise barrage sa tapat ng Kapamilya network headquarters sa Quezon City kagabi.

Sa noise barrage, kinalampag ni Locsin ang mga artistang pinipiling manahimik kahit pa binasura na ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network.

“She was destined to be our Angel,” bigkas ni Soberano, kalakip ang heart emoji.

Samantala, sumama rin si Liza sa nasabing pagkilos at may hawak pa itong placard na “Defend Press Freedom”.

Panawagan ng mga nasa pangwalong araw na noise barrage, ibalik na sa pag-ere ang ABS-CBN.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/liza-na-shoutout-si-angel/)

Walang komento