Recent Posts

Breaking News

‘Ligo Sardines, tunay na panalo’

Bumenta na naman sa madla ang “shade” o indirektang patama ng Ligo Sardines sa gobyerno.

Sa Facebook kahapon, binanggit ng kompanya ang pahayag na “Feel like a winner with our Ligo Premium Sardines.”

Meron din itong larawan ng kanilang produkto, at text na “Ito ang tunay na panalo. Panalo sa sarap.”

Matatandaang kahapon din, huling araw ng Hunyo, giniit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nanalo na ang Pilipinas laban sa prediksiyon ng mga UP expert na papalo sa 40,000 ang COVID-19 case sa bansa sa araw ding iyon.

“Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction po. We beat it so congratulations, Philippines! Let’s do it again in July,” wika pa ng tagapagsalita.

Kaya naman, ang sabi ng mga netizen: Ligo ang “real winner.”

“Oh the shade! Hahaha good one Ligo! I’ll be your fan forever,” wika ng isa.

“Hahahaha! Ligo is the REAL winner in shading!” ayon pa sa isa.

“kung sinuman ang social media manager nyo, he deserves a raise in salary!,” sambit ng isa pang netizen.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ligo-sardines-tunay-na-panalo/)

Walang komento