Recent Posts

Breaking News

Legarda nagpaliwanag sa hindi pagboto sa ABS-CBN franchise renewal

Maraming naghahanap kay Deputy Speaker Loren Legarda sa naging botohan nitong Biyernes para sa ABS-CBN franchise renewal sa House committee on legislative franchises.

Sa Facebook post ni Legarda, pinaliwanag nito na hindi siya maaaring makasali sa botoan dahil sa Section 31, Rule 9 ng Rules of the House of Representatives kung saan nakasaad na hindi siya maaring makaboto bilang author ng isang bill patungkol sa pag-renew ng prangkisa ng nasabing network.

Nakapaloob sa Section 31 na, “a member who is the author of a bill or a resolution referred to a committee or, if there be several authors, the first 2 authors, named in the bill or resolution, or their duly designated co-authors, as the case may be, shall be considered as members of the committee of referral for the purpose and throughout the duration of the consideration of said bill or resolution, but shall have no vote in the committee.”

Bukod pa dito, kanya ring dinahilan ang Section 14, Article 6 ng 1987 Constitution at Section 4 ng Internal Rules of the House committee kung saan nagsasaad na bawal lumahok ang isang mambabatas tungkol sa desisyon na makakaapekto sa kanyang interes, business o pinansyal.

Ayon kay Loren, mayroon siyang programa sa ABS-CBN News Channel (ANC) na ‘Dayaw’, kung saan siya ang host, at bagama’t wala siyang natatanggap na bayad doon ay nakikita niya ang conflict of interest kapag sumali sa botohan,

“While I do not receive any monetary compensation as Host of the show, I deem it appropriate to refrain from participating in view of any potential conflict of interest, whether directly or indirectly, in so promoting my advocacy through this project,” paliwanag pa ni Legarda.

Si Legarda ay unang nakilala bilang mamamahayag sa ABS-CBN ng higit isang dekada bago pasukin ang politika.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/legarda-nagpaliwanag-sa-hindi-pagboto-sa-abs-cbn-franchise-renewal/)

Walang komento