Recent Posts

Breaking News

Lead by example! Jennylyn pinahahanap ibang trabaho si Bato

Inulit ni Kapuso actress Jennylyn Mercado ang komento ni Kapamilya actor Arjo Atayde para kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

“Hanap ng ibang trabaho para mabuhay at magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo,” ang matatandaang sinabi ni Bato para sa mga ABS-CBN employee na tatamaan ng tuluyang shutdown ng TV network.

“Dada ng dada… mauna ka,” ang binigkas noon ni Arjo.

Sa Twitter, sinabi naman ni Jen:

“Sabi nga nila “To lead by example”. Baka naman gusto niyo pong mauna (emoji: red heart).”

Nanganganib na nga ang pagkawala ng hanapbuhay ng 11,000 Pilipino matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng ABS-CBN noong Biyernes.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lead-by-example-jennylyn-pinahahanap-ibang-trabaho-si-bato1/)

Walang komento