Recent Posts

Breaking News

Laruan ng Pinay agaw-pansin kay Ryan Reynolds

Tumulong na si Canadian actor Ryan Reynolds sa paghahanap ng ninakaw na stuffed toy na pagmamay-ari ng isang Pilipina sa Vancouver, Canada.

Nagbigay ng $5,000 pabuya ang “Deadpool” star sa sinumang makapagbabalik ng teddy bear ni Mara Soriano, na ninakaw kasama ang bag nito habang naglilipat ng gamit sa bagong apartment kasama ang fiancee nito.

Naglalaman ng voice recording ang nasabing laruan kung saan sinasabi ng kanyang nanay, na pumanaw dahil sa cancer noong 2019, na “I love you. I’m proud of you. I’ll always be with you.”

Hulyo 29 ng hapon (US time), masayang binahagi ni Soriano sa Twitterverse na naibalik na sa kanya ang stuffed toy nang walang gasgas.

“Two kind samaritans returned her to us in a safe space, voice is there, just no glasses!!” wika pa ni Mara.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laruan-ng-pinay-agaw-pansin-kay-ryan-reynolds/)

Walang komento