Recent Posts

Breaking News

Lapake kahit walang prangkisa: NCAA loyal sa ABS-CBN

Nawala man sa telebisyon, ABS-CBN pa rin ang unang opsyon ng NCAA para kanilang maging broadcast partner.

Nakatakdang makipag-meeting ang pamunuan ng collegiate league sa ABS-CBN para sa mga susunod pang season ng NCAA.

“We were saddened by the recent denial of the application for a new franchise by ABS-CBN,” ayon kay NCAA Season 96 chairman Fr. Vic Calvo mula sa Letran. “But we are sure the NCAA can work it out with them.”

“We need to sit down and discuss with ABS-CBN management what are the options. Marami namang ibang platforms na available,” aniya pa.

Mananatiling committed ang NCAA sa ABS-CBN sa kabila ng pagka-deny ng franchise renewal ng network sa Kongreso, na ibig sabihin ay hindi na makakaere sa free TV maging sa mga platform nito sa radyo.

“‘Yung commitment na sinabi sa akin, we’re committed to promote the brand of the NCAA at all cost. So ganoon naman ang commitment na binibigay sa akin as of now,” saad pa ni Calvo.

Bukod sa NCAA, ilan pa sa mga liga na naging partner ng ABS-CBN ay ang UAAP, Premier Volleyball League at ASEAN Basketball League.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lapake-kahit-walang-prangkisa-ncaa-loyal-sa-abs-cbn/)

Walang komento