Recent Posts

Breaking News

Laoag City nakapagtala ng unang COVID-19 case

Napasok na ng coronavirus disease ang Laoag City.

Kinumpirma ni Mayor Michael Keon ang unang kaso nila ng COVID-19.

Isang lalaking tauhan ng Philippine Air Force na nakabase sa Laoag International Aiport (LIA) ang na-test na positibo ng infection.

“This person is an Air Force personnel who is assigned in the province. He is not an Ilokano and not from here. He is from Manila,” wika ni Keon sa PNA report.

Sa kabila nito ay asymptomatic naman daw ang pasyente at naka-isolate na sa loob ng kanilang barracks sa LIA compound.

Nanggaling sa Metro Manila ang pasyente at dumating sa Laoag noong June 26.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/laoag-city-nakapagtala-ng-unang-covid-19-case/)

Walang komento