Recent Posts

Breaking News

Lampas 3,000 LSI naiuwi sa Mindanao

Mahigit 3,000 locally stranded individuals (LSIs) ang naihatid na sa iba’t ibang probinsya sa Mindanao sa ilalim ng “Hatid Tulong” program ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, inaasahan pang mahigit 8,000 LSIs ang matutulungan ng gobyerno (pre-registered at walk-in applicant) ngayong weekend.

“As of this date, we already have 7,500 confirmed LSIs and we are still expecting more walk-ins in our two-day send-off activity,” ani Encabo sa ulat ng PNA.

Uunahin daw nila ang mga pre-registered applicant bago walk-in applicant.

Aminado siyang nakompromiso ang physical distancing sa mga LSI.

“Aware naman po kami sa social distancing issue, pero kailangan po namin mag-decide na papasukin ang mga tao na ito dahil kawawang-kawawa po sila sa kalsada. At sa sobrang dami po nawala na ‘yung social distancing,” paliwanag niya.

“Pero sana po maintindihan po nila na kapag hinayaan lang din natin ang mga tao sa kalsada, walang tamang palikuran, walang tamang lugar ng kainan at kung sila’y uulanin — ganun din ang mangyayari, magkukumpol-kumpol sila sa eskinita at talagang ‘yung relevance rin ng social distancing ay nawawala,” dagdag niya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lampas-3000-lsi-naiuwi-sa-mindanao/)

Walang komento