Recent Posts

Breaking News

La Niña asahan sa Oktubre o Nobyembre – PAGASA

Pinaghahanda ng PAGASA ang publiko dahil sa posibleng weak La Niña sa October o November nitong taon.

Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, simula March 2020 ay binabantayan na nila ang posibleng development ng La Niña.

Dahil dito, ani Malano, “above normal rainfall” ang aasahan sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na mga buwan.

“The potential adverse impacts of the developing La Niña include floods and landslide over vulnerable areas with varying magnitude,” babala ni Malano.

Huling nakaranas ang bansa ng mahinang La Niña sa huling bahagi ng 2017 hanggang unang bahagi ng 2018.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/la-nina-asahan-sa-oktubre-o-nobyembre-pagasa/)

Walang komento