Recent Posts

Breaking News

Kolorum na `Hatid Tulong’ isang dahilan sa pagtaas ng COVID case

Naniniwala si Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary Joseph Encabo na isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang lugar ay ang kolorum na `Hatid Tulong’ sa mga locally stranded individual (LSI).

Sa panayam kay Encabo sa Laging Handa public briefing, Lunes ng tanghali, snabi nito na nakipag-usap na siya kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Eduardo Año at sa mga opisyal ng Philippine National Police hinggil dito.

“Aking pinahayag ang frustration ng Hatid Tulong Technical Working Group dahil may mga kolorum, unmonitored, unsupervised hatid tulong sa mga LSI,” ani Encabo.

Kabilang aniya dito ang mga LSI na hindi dumaan sa tamang proseso bago ihatid sa kanilang mga probinsya katulad ng kinakailangang muna ng rapid test para malaman kung mayroong COVID-19 ang isang indibiduwal.

“May ibang organisasyon o maaaring ibang lokal na opisyal hindi
nakikipag-ugnayan sa tamang ahensya upang mabigyan ng proteksyon at obserbasyon ang mga LSI bago sila umuwi,” ani Encabo.
“Naniniwala po ako na ang mga kolorum na activity na `yan ang isa sa main na rason kung bakit tumataas ang COVID cases sa isang lugar,” dagdag pa ng opisyal.

Sa tanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa kolorum activity ng mga LSI, sinabi ni Encabo na may mga organisasyon, grupo o indibiduwal na siyang nagpupuslit aniya ng mga LSI para makauwi sa kanilang bayan.

“May nakuha kaming report na may dalawang van papasok sa samar na mga
LSI at nalaman sa rapid test matagal-tagal na at paso na rin ang kanilang travel authority,” ani Encabo.

Maging ang ginamit aniyang sasakyan ay hindi rin nakipag-coordinate sa national government, sa Hatid Tulong Technical Working Group o kahit sa ibang ahensya ng pamahalaan kung anong LSI ang hinahatid ng sasakyan.
“Upon checking ng requirements expired na,” ani Encabo.

Dahil umano sa mga ganitong insidente kung kaya’t nagkakaroon ng “misconception” ang mga local government unit na kapag may mga inuwing LSG ay pinangangambahan na kaagad ang posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa isang lugar.

“Kaya sinisigurado talaga naming sa Hatid Tulong Technical Working Group to follow IATF [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging ] Infectious Diseases] rules,” pahayag pa ni Encabo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kolorum-na-hatid-tulong-isang-dahilan-sa-pagtaas-ng-covid-case/)

Walang komento