Recent Posts

Breaking News

Kim Kardashian gusto nang i-divorce ni Kanye West

Nabunyag ang kagustuhan ni US presidential wannabe Kanye West na hiwalayan ang misis na si Kim Kardashian.

“They tried to fly in with 2 doctors to 51/50 me. I been trying to get divorced since Kim met with Meek at the Warldolf for “prison reform” I got 200 more to go,” sabi ni West sa burado nang tweet.

“This my lady tweet of the night … Kris Jong-Un. Lil baby my favorite rapper but won’t do a song wit me.”

Kasunod ito ng mga series of worrying tweet ng rapper noong Lunes tungkol din sa kanyang asawa pati na sa biyenan niyang si Kris Jenner.

Bago nito, sa kauna-unahan niyang presidential campaign rally sa Charleston, South Carolina noong Linggo ng gabi, sinabi rin ni West na pinigilan niya si Kim noon na ipalaglag ang anak nilang si North.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kim-kardashian-gusto-nang-i-divorce-ni-kanye-west/)

Walang komento