Recent Posts

Breaking News

Kiko papatalsikin para mapahaba termino ni Duterte?

May mga nagbabalak umanong patalsikin sa puwesto si Senador Kiko Pangilinan, na siyang chairman ng Senate constitutional amendments committee.

Nilantad ito sa Twitter ng anak ng senador na si Frankie, at sinabing hangga’t binabantayan ni Kiko ang Konstitusyon ay hindi ito magagalaw ng administrasyong Duterte.

Binigay niyang senaryo na kung gusto ng gobyerno na pahabain ang termino nito, kailangang patalsikin muna si Pangilinan.

“just wanted to inform– currently the fb boomers have this movement where they want to oust my dad as the chairman of the constitutional committee in order to make constitutional changes, allegedly in order to address the COVID crisis. My dad is defending our constitution,” sey ni Kakie sa kanyang writing Twitter account @kakiewrites.

“this admin can’t touch the constitution for as long as my dad is guarding it. they cannot remove term limits (extend terms), without removing him,” aniya pa.

Hindi nilagay ni Frankie ang naturang impormasyon sa kanyang main Twitter account na @kakiep83, dahil ayaw aniya niyang makakuha ng atensiyon mula sa gobyerno “when i know i’m being watched”.

Binura na ni Frankie ang kanyang mga tweet.

Samantala, ngayong hapon, Top 1 trending sa Twitter PH ang hashtag na #OustKiko .



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kiko-papatalsikin-para-mapahaba-termino-ni-duterte/)

Walang komento