Recent Posts

Breaking News

Kaya tumahimik? Sarah G. bagong PSA endorser

Nilabas na ang pinagkaabalahan ni Sarah Geronimo na infomercial para sa government agency na Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan ang multimedia star ang kinuha na endorser para sa kanilang campaign.

Nitong Martes ay pinasilip sa media ang bagong video presentation na pinamagatang ‘Sama Na, Census Na’, na hinihimok ang mga pamilya na sumali sa census para malaman ang pulso ng bansa ukol sa mga polisiya, benipisyo at programa para sa mga Pinoy.

Ayon kay PSA chief statistical specialist Joseph Cajita, wala umanong halong politika sa pagkuha kay Sarah G. sa kanilang kampanya, at dinahilan na tinapik ang actress dahil bagay ito ngayong bubuo ng pamilya kasama ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli.

Ngunit sa social media, hidni pa rin maiwasan na idikit ang pangalan ni Sarah dahil sa matagal nitong pananahimik sa isyu ng ABS-CBN shutdown, na sinabayan pa ngayon ng kanya palang endorsement sa ahensya ng gobyerno.

“Kaya Naman Pala Hindi makapag voice out tungkol SA ABS-CBN Kasi tadan!” ayon kay @fitness_asian.

“Government campaign ba to? kaya naman pala char,” saad naman ni @CharotismBabies.

“Ay bayad naman pala ng gobyerno kaya tahimik si ateng. Disgusting,” giit ni @andyboytoy1.

“Hahaha kaya pala silent siya re ABS-CBN, pa PTV na pala peg ni Sarah Geronimo. Enabler siya,” pakli naman ni @josephine_pov.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaya-tumahimik-sarah-g-bagong-psa-endorser/)

Walang komento