Recent Posts

Breaking News

Kapamilya stars humakot ng nominasyon sa Awit Awards

Inilabas na ang official list ng mga finalist para sa 33rd Awit Awards.

Mapapanood ang 33rd Awit Awards sa official Facebook page nila sa August 29.

Karamihan ng nominado ay mga ABS-CBN personality gaya nina KZ Tandingan, Moira dela Torre, Daniel Padilla, Regine Velasquez, Jaya, Morissette, Alex Gonzaga, Darren Espanto, Zephanie Dimaranan at Jake Zyrus.

Banggaan sa “Song of the Year” ang “Pagtingin” (Paolo Benjamin Guico), “Imposible” (KZ, Shanti at Gabriel Tagadtad), “Kung Di Rin Lang Ikaw” (Ronzel Bautista), “Magkaibang Mundo” (Katrina Velarde) at “Bawat Kaluluwa” (Daniel Zildjian, Benitez Blaster at Mitchelle Silonga).

Ang Awit Awards ay music awards sa Pilipinas na taunang binibigay ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) para kilalanin ang mga outstanding achievement sa music industry.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapamilya-stars-humakot-ng-nominasyon-sa-awit-awards/)

Walang komento