Recent Posts

Breaking News

Kanye West tatakbong presidente

Nagsabi si American rapper Kanye West na tatakbo siyang pangulo ng Amerika sa 2020, laban sa kaibigan niyang si US President Donald Trump.

Sa Twitter, Sabado sa US, banggit ni West:

“We must now realize the promise of America by trusting God, unifying our vision and building our future. I am running for president of the United States! #2020VISION”

Hindi pa tiyak kung seryoso ang 43-anyos sa pahayag na nilabas niya 122 araw bago ang November 3 election, o publicity lang para sa kanyang upcoming album na “God’s Country.”

Samantala, tumugon naman kay Kanye ang SpaceX CEO na si Elon Musk:

“You have my full support!”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kanye-west-tatakbong-presidente/)

Walang komento