Recent Posts

Breaking News

Kamara aaksiyunan Cha-cha proposal ng mga alkalde

Sa gitna ng pakikipaglaban sa pandemya, pag-uusapan ng mga mambabatas ang mungkahi ng higit 1,000 alkalde sa bansa na charter change o pag-amiyenda sa Konstitusyon 1987.

Magko-convene umano ang House committee on constitutional amendments hinggil sa nasabing Cha-cha, ayon kay panel chair Cagayan De Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez.

Gagawin nila ang pagtitipon matapos ang State of the Nation Address ni Presidente Rodrigo Duterte.

Sa pahayag ng DILG, sinabing 1,488 municipal mayor na kasapi ng League of Municipalities of the Philippines ang nagsusulong ng dalawang constitutional reform.

Ayon kay LMP national president Chavit Singson, hangad ng mga alkalde na lumaki ang kanilang share sa mga buwis na kinokolekta ng pambansang gobyerno, at alisin ang pagbabawal sa mga dayuhan na mag-invest at magmay-ari sa mga industriyang kasalukuyang limitado sa mga Pinoy.

Ito, bilang suporta sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon na maamiyendahan ang Konstitusyon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kamara-aaksiyunan-cha-cha-proposal-ng-mga-alkalde2/)

Walang komento