Recent Posts

Breaking News

Kahit nasa bahay lang mula Marso, Divine Lee sapul ng COVID

Kahit pa nanatili ang pamilya niya sa bahay mula noong Marso, nilahad ni Divine Lee na nagpositibo siya sa new coronavirus.

Dinetalye niya ito sa kanyang Instagram stories, Huwebes.

“Yes, I tested positive but I’ve been asymptomatic so wala akong naramdaman na kahit anong symptoms. I’m also done with the 14 days [of quarantine],” wika niya, at sinabing nag-isolate siya para hindi mahawa ang mga anak sa COVID-19.

Nagkaroon din aniya ang kanyang asawang si Blake ng mild symptoms na sa una’y inakala nilang dahil lang sa sobrang pagkain ng ice cream. Na-clear na ito ng mga doktor.

Samantala, sinabi ni Lee na wala pa silang nakikitang ibang tao mula pa noong Marso 14, kaya naniniwala siyang nakuha niya ang coronavirus mula sa mga nahawakang gamit gaya ng pera at grocery.

“If there’s one thing I realized, it’s we haven’t been out since March 14. So technically, wala pa kaming nakikitang tao. It’s not person-to-person [transmission]. It’s probably with everyday things that you touch like money and doorknobs… apparently, it (virus) stays on things,” sey ni Divine.

“I’m not a doctor so I can’t say na kaya ako hindi tinamaan ng symptoms is because I have a good immune system. [But] mahilig kasi akong mag-vitamins… I think it protected me in some way,” aniya pa.

Hinihintay na lang aniya niya ang clearance para makapag-donate na siya plasma sa mga COVID-19 patient.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-nasa-bahay-lang-mula-marso-divine-lee-sapul-ng-covid3/)

Walang komento