Recent Posts

Breaking News

Kahit ‘hindi naging fair sa kanya’, Robredo heartbroken sa ABS-CBN

Sa tingin ni Bise Presidente Leni Robredo, naningil ng personal na hinanakit ang mga mambabatas sa Kamara na binasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa.

Sambit niya sa kanyang lingguhang radio show, Linggo, maging siya ay nakaranas ng hindi patas na pag-uulat mula sa Kapamilya network, pero dapat ay pinairal ang interes ng mga taong umaasang magtrabaho sa Kapamilya network.

“Kaya nga representatives ang tawag, ikaw dapat ang nagrerepresent ng mga constituents mo….pero ito, talagang nakakadurog ng puso,” wika ni Robredo, Hulyo 12.

“Na-mention sa hearing na kahit ako maraming ads na hindi na-air. Maraming pagkakataon na, lalo kaming naninilbihan sa taongbayan, nararamdaman namin na hindi fair. Maraming mga taga-ABS-CBN ang hindi naging fair sa akin.”

“Pero hindi ito panahon para magsingil ng personal na hinanakit. May mas malaking dahilan, may mas malaking interest tayong pinaglalaban, interes ng lahat ng taong umasang magtrabaho sa ABS,” dagdag pa niya.

Noong Hulyo 10, sa botohan ng House Committee on Legislative Franchises, 70 kongresista ang pabor na hindi na magpatuloy sa operasyon ang Kapamilya network.

Samantala, 11 ang hindi sang-ayon, dalawa ang nag-inhibit, at isa ang nag-abstain.

Una nang sinabi ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na posibleng mawalan na ng trabaho ang kanilang 11,000 empleyado kung hindi mare-renew ang prangkisa ng TV network.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kahit-hindi-naging-fair-sa-kanya-robredo-heartbroken-sa-abs-cbn1/)

Walang komento