Recent Posts

Breaking News

‘Kabayan Noli, Ted, Tunying duwag!’

Bukod sa mga artista, sinisingil na rin ngayon ang mga mamamahayag na tikom ang bibig pagdating sa tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN.

Sa Twitter ngayong Linggo, inulit ni ABS-CBN News multimedia journalist Jacque Manabat ang bahagi ng pahayag ni Angel Locsin para sa mga artistang ayaw umimik sa isyu ng Kapamilya network.

“Kung maraming artistang hindi pa rin nagsasalita, may mga mamamahayag ding hanggang ngayon tahimik pa rin. Sabi nga ni ate @143redangel ‘Ano? Magpapacute na lang kayo sa Instagram?’,” ayon kay Manabat.

“Mga duwag,” aniya pa, bagaman hindi tinutukoy ang pangalan ng mga pinatatamaan.

Samantala, may ilang netizen na binanggit ang mga Kapamilya reporter na sina Noli de Castro, Ted Failon, at Anthony Taberna.

Wika nila, tahimik pa rin ang mga nabanggit na journalist ukol sa pagbasura ng House Committee on Legislative Franchises sa franchise application ng TV-radio network.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kabayan-noli-ted-tunying-duwag/)

Walang komento