Recent Posts

Breaking News

Kabataan Party-list pumalag kay Esperon sa anti-terror law

Tinutulan ng Kabataan Party-list group ang pahayag ni National Security Adviser Esperon na maitururing umanong supporter ng terorista ang tutol at bumabatikos sa Anti-Terror Law.

“This baseless accusation coming from Esperon, who is part of the Anti-Terrorism Council, only further exposes the draconian nature of the Anti-Terrorism Act and how it will be used to curtail our basic human rights,” ayon sa grupo.

Isa umanong mapanganib ang naturang pahayag ni Esperon na dahilan upang lalo pang pagtibayin at magkapitbisig at mga kabataan at taongbayan para sa pagpapabasura sa terror law.

Ayon pa sa grupo, maliwanag umano sa pahayag ni Esperon na ang sinumang susuway at hindi sasang ayon sa gobierno at magpahayg ng saloobin ay maari nang sasailalim sa naturang batas.

Ngunit giit ng grupo, patuloy na maninidigan ang mga kabataan sa paglaban at pagtanggol sa demokrsaya at kalayaan.

“The youth along with the broad masses remain resolute in defending our democracy and freedoms,” dagdag ng grupo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kabataan-party-list-pumalag-kay-esperon-sa-anti-terror-law/)

Walang komento