Recent Posts

Breaking News

J.Lo saan nakuha ni Jennifer Lopez?

Nilantad na ng diva na si Jennifer Lopez kung paano nagsimulang tinawag siyang ‘J.Lo’ na tumatak na sa buong mundo.

Sa panayam sa ‘Us Weekly,’ sinabi ng two-time Grammy nominee na nanggaling ang kanyang nickname sa isang rapper na si Heavy D.

Paliwanag ni J.Lo, madalas siyang tawaging ‘Jenny Lo’ ng nasabing rapper kaya naisip niyang baguhin ito ng kaunti at ipinangalan sa kanyang album.

“He would come into the studio when I was making my first album, and he would always call me Jenny Lo,” kwento ni Jennifer.

“Puffy and Jennifer Lo and Jenny Lo was showing up in records. Like, they were talking about us in records and stuff like that,” aniya pa. “So I was like, ‘I’m gonna name the album ‘J.Lo.’”

Si Jennifer Lopez ang nagpasikat ng mga kanta tulad ng ‘Waiting for Tonight’, ‘On the Floor’ at ‘Let’s Get Loud’.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/j-lo-saan-nakuha-ni-jennifer-lopez/)

Walang komento