Recent Posts

Breaking News

Jason Abalos kay Duterte: Pagbabago ginusto ko, hindi panggagago!

Hindi natuwa si actor Jason Abalos sa “joke” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Twitter, nilahad ni Abalos na mayroon siyang kaibigan na namatay dahil sa coronavirus disease 2019, kaya hindi niya maatim na may panahon pa para sa biruan ang gobyerno habang nilalabanan ang pandemya.

Matatandaang pinayo ni Duterte sa madla na gamitin ang gasolina bilang pang-disinfect sa mga gamit nang face mask–na giniit nina Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Presidential Spokesperson Harry Roque bilang isa lang sa mga “biro” ng Pangulo.

“Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke??,” banggit ni Jason, tungkol kay Dr. Leandro Resurreccion III na ginupo ng COVID-19 noong Marso 31.

“Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!” aniya pa.

Hindi man tinukoy ng Kapuso star ang pinatutungkulan, matatandaang maugong ang “Change is Coming” na campaign slogan ng noo’y presidentiable na si Duterte.

https://twitter.com/thejasonabalos/status/1286343066023088128?s=20



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jason-abalos-kay-duterte-pagbabago-ginusto-ko-hindi-panggagago11/)

Walang komento