Recent Posts

Breaking News

Japanese actor Haruma Miura kinitil sariling buhay

Natagpuang walang buhay ang Japanese actor na si Haruma Miura sa loob ng kanyang tahanan sa Tokyo.

Ayon sa report ng Japan Times, nakita ang 30-anyos na aktor na hindi na rumeresponde sa kanilang tahanan Sabado ng hapon.

Sinugod pa si Miura sa ospital ngunit kalauna’y dineklarang patay.

Si Miura ay nagsimula bilang child actor sa edad na 7 ng gumanap sa drama series na ‘Agri’.

Isa siya sa naging sikat na gumaganap na live-action adaptation ng mga anime flick tulad ng ‘Kimi ni Todoke’, ‘Gokusen’ at ‘Attack on Titan’.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/japanese-actor-haruma-miura-kinitil-sariling-buhay/)

Walang komento