Recent Posts

Breaking News

J&T Express maraming nilabag na batas – PNP

Patong-patong na kasong paglabag sa batas ang natuklasan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawa nitong imbestigasyon sa mga reklamo laban sa delivery service provider na J&T Express.

Ito ang sinabi ni PNP Director General Archie Francisco Gamboa sa virtual press briefing sa Camp Crame nitong Lunes.

Ayon kay Gamboa, nakatanggap siya ng report mula sa PNP-CIDG noong Hulyo 14 hinggil sa imbestigasyong isinasagawa laban sa J&T Express dahil sa mishandling ng mga package na nag-viral sa social media noong unang linggo ng buwan dahilan upang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya ang malalimang imbestigasyon laban sa kompanya.

“I received a report from the CIDG last July 14 na they conducted an investigation. As a matter of fact other than those na naging viral sa video which was also the basis for the investigation, may mga na-find out pa including violations of the labor law of which the PNP in coordination with the DOLE is taking cognizance of it,,” pahayag ni Gamboa.

Bukod sa Department of Labor and Employment (DOLE) ay nakikipag-ugnayan na rin ang PNP-CIDG sa Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa napakaraming kaso aniya laban sa J&T Express.

Sa kasalukuyan ay nakapagsampa na aniya ang pulisya ng magkahiwalay na mga kasong paglabag sa Consumer Protection Act of the Philippines.

Napag-alaman din sa ginawang imbestigasyon na ang J&T Express branch sa Muntinlupa City ay walang kaukulang mayors permit at dahil dito ay isang panibagong paglabag na naman sa kompanya at mayroon na itong closure order.

“So because of that violation there is a closure order and actual pictures have been taken to implement such a closure order. So generally ito `yong pinu-pursue but of course our regional offices of the CIDG are also gathering evidence on their provincial hubs as there might be also violations both dito sa local ordinances in terms of permits and then dito naman sa DTI violation including the DOLE,” paliwanag ni Gamboa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/jt-express-maraming-nilabag-na-batas-pnp/)

Walang komento