Recent Posts

Breaking News

Iriga City mayor ginisa ng Kamara sa cash aid

Ginisa sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Iriga City Mayor Madelaine Alfelor matapos malaman ang umano’y iligal na pamimigay nito ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Humarap si Alfelor sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability kaugnay sa pamamahagi ng SAP.

Sa pagdinig iprinisenta ni House Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. ang kanyang mga ebidensiyang nagpapakita ng personal na pamimigay ng alkalde ng SA sa mga hindi kuwalipikadong benepisaryo nito.

Kabilang dito ang kanyang mga kamag-anak at mga guro sa isang eskuwelahan na pag-aari ng kanyang pamilya.

Tatlong guro ang nagbigay ng kanilang testimonya na nagsasabi na mismong ang alkalde ang nagbigay sa kanila ng cash aid na P5,000.

Ngunit patuloy itong itinanggi ng alkalde na ikinairita ni Villafuerte dahilan upang irekomenda nito sa komite na kasuhan si Alfelor hindi lamang sa pagsisinungaling kundi pati sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Law at Bayanihan Law.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/iriga-city-mayor-ginisa-ng-kamara-sa-cash-aid/)

Walang komento