Recent Posts

Breaking News

Ilang pasahero ng MRT-3 dapat bantayan ang kalusugan – Vergeire

Nagbigay-abiso ang Department of Health sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3, na nakasalamuha ang mga ticket seller, na bantayan ang kanilang kalusugan matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani ng tren.

Hanggang nitong Linggo ay may 172 kawani ng MRT-3 na positibo sa virus, kabilang ang apat na ticket seller.

Dahil dito, sinimulan ang bawas-operasyon ng MRT3 at pinaplano na ang contact tracing ng mga pasahero na nakasalamuha ng mga ticket seller.

“Ito po ngayon, pipilitin natin sa lahat ng mga nakasalamuha. And of course, we have announced already na ang MRT nagkaroon ng ganito,” wika ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa GMA Network’s Unang Hirit, Lunes.

“Nag-aadvice na po tayo sa mga tao, whoever ‘yung mga sumakay po na nakasalamuha itong MRT employees like ‘yung nagbigay ng ticket, na kung saka-sakaling magkaroon ng sintomas, agad-agad na magpa-check up o ‘di kaya mag-quarantine,” aniya pa.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang DOH sa Department of the Interior and Local Government at sa pamunuan ng MRT-3 hinggil sa kung paano nila gagawin ang contact tracing ng mga naturang pasahero.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ilang-pasahero-ng-mrt-3-dapat-bantayan-ang-kalusugan-vergeire/)

Walang komento