Recent Posts

Breaking News

Ilang ospital dedma sa required bed capacity para sa COVID – Vergeire

May ilang ospital umano na hindi sumusunod sa utos na ilaan ang 30% ng kanilang mga higaan para sa mga COVID-19 patient.

Dahil dito, sambit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Lunes, minomonitor ng DOH ang mga health facility.

“For example, ang isa pong hospital—ang standard natin dapat magtalaga kayo ng 30% of your hospital beds for COVID,” wika ni Vergeire sa GMA Network’s Unang Hirit.

“Kaya lang po, hindi lahat ng ospital nagko-comply diyan. So they allot this number of beds for COVID, tapos kapag napuno na po ‘yan, magsasabi na sila ng full capacity,” aniya pa.

Paliwanag pa ng kalihim, kapag nagdeklara ng full capacity ang mga ospital, ang tinutukoy ng mga ito ay ang kanilang higaan na nakalaan para sa mga COVID-19 patient.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ilang-ospital-dedma-sa-required-bed-capacity-para-sa-covid-vergeire/)

Walang komento