Recent Posts

Breaking News

I-audit pondo sa COVID-19 – Hontiveros

“Hindi dapat pinagkakakitaan ang COVID-19 crisis.”

Ito ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros kasabay ng paghain ng isang resolusyon na humihikayat sa Commission on Audit na magsagawa ng special audit sa lahat ng nagastos ng gobyerno sa pagtugon sa 2019 novel coronavirus disease or COVID-19 sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act No. 11469).

Ang panukalang Senate Resolution No. 479 ay nilagdaan nina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Finance Committee Chair Sonny Angara, Sen. Panfilo Lacson, and minority Senators Franklin Drilon, Francis Pangilinan, at Leila de Lima.

Sa ilalim ng Bayanihan Act, binibigyan ang pangulo ng kapangyarihan na magre-align at maglaab ng bilyong pondo para sa pagtugon sa COVID-19 crisis.

“Kailangan nating malaman kung ang tulong ba ay napunta para sa dapat tulungan,” sabi ni Hontiveros.

Sa ilalim ng RA 1149, pinapayagan nito ang gobyerno na agad bumili ng pasilidad, utility at serbisyong kinakailangan para COVID-19 response na walang exemption mula sa requirement of bidding na nakapaloob sa Government Procurement Reform Act (Republic Act No. 9184).

Subalit sabi ni Hontiveros may ilang alegasyon ng overpricing sa iba’t ibang procurement na may kinalaman sa COVID-19.

Kabilang dito ang pagbili gobyerno ng autamated nucleic acid extractor sa halagang P4 milyon laban sa P1.75 milyon lang sa private seector’ ang personal protective equipment (PPE) sets na P1,800 subalit P400 hanggang P1,000 ang presyo sa market price range; at ang importasyon ng napakamahal na PT-CR test kits mula sa China at Korea habang nakatambak lang sa bodega ang mas murang test kits na gawa sa Pilipinas.

Nakasaad din sa resolusyon na sa kabila ng pagbili ng diumano’y overpriced PPE ng Procurement Services of the Department of Budget and Management [PS-DBM] at Philippine International Trading Corporation [PITC], marami sa health workers at fronliners ang nagkasakit dahil sa kakulangan ng sapat na protective gear.

“Sapat ba ang naging pondo para sa mga PPE? At kung sapat, bakit parang hindi napunta sa mga frontliners?” tanong ni Hontiveros.

“This health crisis should not allow us to relax our accountability measures. The people should be able to trust the government that no one is lining their pockets with taxpayers’ money,” dagdag pa nito.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/i-audit-pondo-sa-covid-19-hontiveros/)

Walang komento