Recent Posts

Breaking News

Hirap ng buhay! Dante Gulapa naghahanap ng trabaho

Nanghingi na ng tulong si internet sensation Dante Gulapa sa kanyang “mga idol” para makahanap ng trabaho at masuportahan ang tatlo niyang anak.

Kwento niya sa Facebook kaninang madaling-araw, kailangan niya ng mapagkakakitaan dahil pansamantalang bumukod na siya sa kanyang asawa.

Hindi niya rin umano nasisingil ang mga nangutang sa kanya, at wala ring mga event dahil sa pag-iingat sa coronavirus pandemic.

“Musta po kau magtatanong lang po ako baka may alam kau pwde ko uplayan (sic) trabaho mga idol kc hirap ng buhay ngaun para may pangsuporta naman po ako sa mga anak ko,” sey ni Big Papa, Lunes.

“PM lang ninyo idol kung may alam po kau kc bumokod na po muna ako kc lagi na kami ngaaway ng asawa ko kaya e2 kailangan ko na po mga hanap buhay mga idol para masuportahan ko 3 ko anak kc yong mga pautang ko na pera kinita ko hinde po ako nakakasingil tapos wala mga event kaya e2 nga2 po ako ngaun.”

“Wala po ako mga experyes (sic) sa pagtrabaho mga idol puro diskarte lsng po alam ko kaya e2 humihingi po ako sa inyo ng mga adbays para po kung ano po pwede ko gawin idol,” dagdag niya. “Maraming salamat po.”

Nakilala si macho dancer Gulapa sa social media dahil sa kanyang “Eagle Dance”.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/hirap-ng-buhay-dante-gulapa-naghahanap-ng-trabaho/)

Walang komento