Recent Posts

Breaking News

Higit 100 RTVM staff nadikit sa COVID carrier

Mahigpit na minomonitor ang halos 100 personnel ng Radio-Television Malacañang o RTVM matapos ma-exposed ang mga ito sa mga kasamahang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni RTVM Director Demic Pabalan na binabantayan ngayon ang mga posibleng sintomas sa COVID -19 ng kanilang mga personnel atn nakatakdang isailalim sa swab testing ang mga ito sa mga susunod na araw.

Mayroong dalawang COVID positive sa RTVM ang natukoy nitong weekend kaya isinailalim sa lockdown ang kanilang tanggapan simula ngayong Martes hanggang August 11, 2020.

“Said measure was enforced after two employees tested positive for COVID-19 RT-PCR testing,” ani Pabalan.

Dahil sa sitwasyon, sinabi ng opisyal na ang mga personnel lamang na nakatalaga sa Office of the Presidential Spokesperson (OPS) press briefing ang pinayagang mag-report sa trabaho nitong Martes.

Pero dahil hindi agad naisailalim sa rapid testing ang 15 RTVM personnel, pinag-set up lamang ang mga ito para sa press briefing ni Presidential Spokesman Harry Roque at saka isinalang sa rapid test ng Presidential Security Group (PSG).

Mayroon namang back-up team si Secretary Roque na mga pribadong cameraman kaya natuloy ang press briefing, dangan lamang at na-late ito ng ilang minuto.

Tiniyak naman ni Roque na tuloy ang kanyang press briefing sa Huwebes sa New Executive Building sa kabila ng naitalang mga kaso ng COVID -19 sa ilang tauhan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) .

Sinabi ni Roque na wala pa namang nagpositibo sa kanyang opisina at kahit aniya mahirap ang sitwasyon ay tuloy ang trabaho dahil kailangang ihatid sa publiko ang mga mahahalagang impormasyon sa Malacañang.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/higit-100-rtvm-staff-nadikit-sa-covid-carrier/)

Walang komento