Recent Posts

Breaking News

High profile inmate buhay pa – BuCor

Tinanggi ng Bureau of Corrections ang sinabi ng Volunteers Against Crime and Corruption na patay na dahil sa COVID-19 ang high profile inmate na si Raymond Dominguez.

“Negative po ‘yan. Not true. Isolated lang siya (Dominguez) kasi COVID-19 positive po siya,” wika ni BuCor spokesman Gabriel Chaclag sa Viber.

Samantala, sinabi ni VACC President Boy Evangelista sa Inquirer na nalaman nila ang pagpanaw ni Dominguez mula sa tanggapan ng isang dating Justice secretary.

Nasangkot si Dominguez at kapatid nitong si Roger–mga hinihinalang lider ng Dominguez carjacking group–sa pagpaslang kina car dealers Venson Evangelista at Emerson Lozano noong Enero 2011.

Si Venson ang anak ni Boy.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/high-profile-inmate-buhay-pa-bucor/)

Walang komento