Recent Posts

Breaking News

‘Gutom posibleng mas maraming patayin kesa COVID’

Nagbabala ang charitable org Oxfam na ang hunger crisis, na kaugnay ng kasalukuyang pandemya, ay posibleng mas maraming kitilin kaysa mismong COVID-19.

Sa ulat ng Oxfam, sinabing tinatayang 12,000 katao kada araw ang maaaring pumanaw dahil sa gutom na kaugnay ng naturang health crisis.

Samantala, nakasaad sa datos ng Johns Hopkins University na sa ngayon, ang pinakamataas pa lang na death toll ng COVID-19 sa isang araw ay 8,890, noong Abril 17.

Sinaad din ng Oxfam na ang bilang ng mga nakararanas ng “crisis-level hunger” ngayong taon ay aabot sa 270 milyon.

Kumpara ito sa 149 milyon noong nakaraang taon, ayon sa datos ng World Food Programme na sinaad sa ulat.

Apektado anila ng kagutuman hindi lang ang mga “hunger hotspot” sa daigdig kundi maging mga middle-income country, gaya ng Brazil, India at South Africa.

Mungkahi ng Oxfam, dapat unahin ng gobyerno ang interes ng mga food producer kaysa kita ng malalaking food business.

“The pandemic is the final straw for millions of people already struggling with the impacts of conflict, climate change, inequality and a broken food system that has impoverished millions of food producers and workers,” wika ni Chema Vera, Interim Executive Director ng Oxfam, sa isang news release.

“Governments can save lives now by fully funding the UN’s COVID-19 appeal, making sure aid gets to those who need it most, and cancelling the debts of developing countries to free up funding for social protection and healthcare.”

“To end this hunger crisis, governments must also build fairer, more robust, and more sustainable food systems, that put the interests of food producers and workers before the profits of big food and agribusiness,” aniya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/gutom-posibleng-mas-maraming-patayin-kesa-covid/)

Walang komento