Recent Posts

Breaking News

Go sa Meralco: ‘Wag unahin ang kita

Hinikayat ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga kapwa senador at ilang ahensiya ng gobyerno na tiyakin na sinusunod ng Manila Electric Company (Meralco) ang batas patungkol sa energy distribution, consumption at collection.

Ito sa gitna na dumaraming reklamo ng mga konsumer kaugnay ng pag-abuso sa singil sa kuryente ng power distribution utility, partikular ang Meralco.

“Siguraduhin po natin na naaayon sa batas ang patakarang sinusunod. At kung may mali, i-tama dapat nila sa lalong madaling panahon. Dapat gawan ng corrective measures o adjustments sa billing kaagad,” pahayag ni Go sa pagdinig ng Senate energy committee noong Lunes.

Ayon sa senador, hindi dapat iprayoridad ng Meralco ang kita sa kapakanan ng publiko.

“The government should not tolerate any unfair business practices at a time when people’s lives are at risk,” sambit nito.

“Unahin natin palagi ang interes at kapakanan ng ordinaryong Pilipino,” dagdag pa ng senador.

Kailangan din umong ipaliwanag ng Meralco at iba pang distribution utilities na ipaliwanag ng malinaw at simple sa likod ng pagkuwenta ng electricity na kanilang mga kustomer.

“Sa mga explanation, may mga formula po, na para sa pangkaraniwang citizen ay mahirap intindihin at tanggapin. Para sa akin, sana ay mas igihan pa ninyo ang pagbibigay ng impormasyon na mas maiintindihan ng mga consumers,” ani Go.

“Nakatatak na sa isipan nila ang malaking numero ng babayaran nila sa kanilang kuryente at mahirap mawala sa kanilang isipan kung bakit umabot sa ganoon ang kanilang babayaran.

Dagdagan pa natin ang pagsisikap at nang mapaintindi sa ating mga kababayan ang nangyaring ‘bill shock’ na ito. Your consumers deserve nothing less than this,” sambit pa nito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/go-sa-meralco-wag-unahin-ang-kita/)

Walang komento