Recent Posts

Breaking News

‘GMA number 1 kasi wala ABS-CBN’

Binatikos ng ilang netizen ang self-promotion ng GMA-7 na nangunguna pa rin sila sa nationwide TV ratings.

Sa Facebook post ng fan page na Kapuso Nation, nakalagay na ayon sa Nielsen, 47.2% ang AGB Nielsen household shares ng GMA sa bansa, 3.2% ang sa GMA News TV, at 2.9% ang nearest competitor.

“Ang loser ng GMA sa totoo lang. Kaya lang sila number 1 kasi wala ang ABS,” ayon sa isang Twitter user.

“This is like winning a race against a dead horse,” sambit naman ng isa pa.

Simula noong Mayo 5 ay hindi na napapanood ang ABS-CBN channel sa mga telebisyon matapos maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa network.

Nitong June 30 naman ay dinamay na ng NTC ang Sky Direct at mga palabas ng Kapamilya network sa kanilang TV Plus sa mga pinatigil sa ere.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/gma-number-1-kasi-wala-abs-cbn/)

Walang komento