Recent Posts

Breaking News

‘Flexible’ OJT pinag-aaralan ng CHED

Pinag-aaralan ng Commission on Higher Education (CHED) ang “flexible” internship program para sa mga graduating college student.

“Ang pinag-aaralan ay magkaroon ng flexible na OJT or internship. Ibig sabihin, may mga parte na kaya nating gawin online o offline. [Kung] wala pa namang skills-based na kinakailangan ay gawin siguro sa pag-o-open ng academic year,” pahayag ni CHED Executive Director Cinderella Filipina Benitez-Jaro.

“Pero ‘yung kailangan talaga ng face-to-face na internship ay gawin natin sa latter part ng semester,” dagdag niya.

Magugunitang ilang graduating student ang nangamba na baka ma-delay ang kanilang graduation dahil ipinag-utos ng CHED sa mga paaralan na ilipat na lang sa susunod na semestre ang mga internship at OJT program dahil sa coronavirus pandemic.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/flexible-ojt-pinag-aaralan-ng-ched/)

Walang komento